Secretary Silvestre Bello

PH, Germany pumasok sa labor deal

338 Views

PUMASOK sa bilateral labor agreements ang Pilipinas at Germany na naglalayong bigyan ng magandang oportunidad ang mga Pilipino na nais magtrabaho roon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang kasunduan ay kaugnay ng recruitment, deployment at employment ng mga Filipino professionals at skilled workers na nais magtrabaho sa Germany.

“These two freshly signed bilateral labor instruments with Germany are the gifts of the Philippine government to our Filipino migrant workers in recognition of their sacrifices, perseverance, and diligence that have kept our nation afloat amidst the global crisis in the last two years,” sabi ni Bello.

Pangunahing kailangan umano ng Germany ang mga electrical mechanics ang fitters, electronics servicers, cook, hotel receptionists, waiter, tubero at pipe fitters.

Isang Memorandum of Understanding (MOU) din ang pinirmahan ni Bello para sa pagpasok ng mga Filipino healthcare professional sa Germany.

Ayon kay Bello nangangailangan ang Germany ng physiotherapists, radiographers, occupational therapists, biomedical scientists, at mga katulad na health professionals

“With this development, better job opportunities, in addition to nurses and other professionals, await our skilled workers as we showcase the competence and exemplary talents of the Filipino workers,” sabi ni Bello.

Nagpasalamat si Bello sa German government sa pagbibigay nito ng oportunidad sa mga Pilipino na makapagtrabaho sa Germany.