Madrona

PH hosting ng FIBA World Cup  booster shot sa tourism

Mar Rodriguez Aug 29, 2023
154 Views

MISTULANG isang “booster shot” ang hosting ng Pilipinas sa FIBA Worl Cup na mas lalong magpapasulong at maghpapalakas sa Philippine tourism.

Dahil dito, kinakatigan ng House Committee Commmitee on Tourism ang pahayag ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco na napaka-laki ang maitutulong ng pagdaraos ng Pilipinas ng FIBA World Cup para mas along pang maisulong at mapalakas ang turismo ng bansa.

Inihalintulad ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Committee on Tourism sa Kamara, ang hosting ng Pilipinas sa FIBA World Cup sa isang booster na ginagamit para palakasin ang immune system ng isang tao. Sapagkat ganito rin umano ang inaasahang mangyayari sa turismo ng bansa dahil sa pakikilahok ng iba’t-ibang bansa.

Binigyang diin ni Madrona na hindi na kailangan pang mag-imbita ng Pilipinas para sa ibang bansa na magtungo dito dahil sila na mismo aniya ang magku-kusang magpunta sa bansa para manood ng FIBA World Cup games.

Bunsod nito, ipinaliwanag pa ni Madrona na siguradong magkakaroon din ng pagkakataon ang mga dayuhang bisita na kasama ng mga basketball team na kalahok sa FIBA upang makagala sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas tulad ng mga tourist spot sa Intramuros Manila at mga beaches.

Sinabi ng kongresista na maituturing na historical o makasaysayan ang pagho-host ng Pilipinas ng FIBA World Cup sapagkat hindi lamang maipapakita ng mga Pilipino ang kanilang “passion” sa larangan ng basketball. Bagkos, maipapakita rin ng bansa ang mga makasaysayang tanawin nito.

Ayon kay Madrona, gaya ng isang booster shot na nagpapalakas ng katawan ng isang tao. Ganito rin aniya ang inaasahan sa pagho-host ng Pilipinas ng FIBA World Cup dahil mas lalong lalakas at sisigla ang sektor ng turismo dahil narin sa pagdagsa ng napakaraming bisitang dayuhan na magtutungo sa Pilipinas.