Chiz

PH kasunduan sa Kaalyado pangontra sa agresyon ng Tsina sa WPS — Chiz

105 Views

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz” G. Escudero na ang hakbang ng Pilipinas na pumasok sa mga kasunduan sa seguridad kasama ang mga bansang kaalyado nito ay isang epektibong panangga laban sa mga agresibong aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea.

Matatandaan na noong Hulyo 8, 2024, nilagdaan ng Pilipinas ang Reciprocal Access Agreement (RAA) kasama ang Japan upang palakasin ang bilateral defense cooperation ng dalawang bansa.

Hinahabol din ng gobyerno ang katulad na mga kasunduan sa iba pang kaalyado tulad ng Vietnam, France, at Germany.

“I believe these agreements—the RAA and similar agreements with our allies—will enable us to provide an effective deterrence while our military is not strong enough to provide that kind of deterrence,” ani Escudero sa isang forum kasama ang international media noong Martes.

Ang kasunduan sa Japan ay hindi pa naipapadala sa Senado para sa concurrence nito, ngunit ayon kay Escudero, itinuturing niya itong “extremely important” pati na ang iba pang mga kasunduan sa mga kaalyado ng Pilipinas.

Upang makuha ang pag-apruba ng Senado para sa ratipikasyon ng RAA ngayong taon, sinabi ni Escudero na dapat nang isumite ng Department of Foreign Affairs ang dokumento dahil pagkatapos ng Oktubre, tututok na ang Senado sa mga plenary debates para sa 2025 na pambansang budget.

Pinasalamatan din ni Escudero si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdala ng isyu ng agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea sa pandaigdigang antas.

“The fact that there are a lot of countries speaking out against them (China) is actually serving as a deterrent, too. That is what I think the President was able to do successfully,” dagdag pa ni Escudero.

“And he was able to make these states and governments understand that the West Philippine Sea is not isolated. It should be their concern as well,” ani Escudero.

Habang pinalalakas ng gobyerno ang mga alyansa nito sa seguridad at depensa, sinabi ni Escudero na mahalaga pa ring panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa Tsina.

“I don’t see any problem with engaging with China. We can agree to disagree,” aniya.

Dagdag pa niya, “I think that is one thing that both governments know, should understand, and should respect and pursue.”