Calendar
PH makikipagtulungan sa Interpol kung kailangan
Walang magagawa ang Pilipinas kung hindi ang makipagtulungan sa International Criminal Court kung idadaan ang hiling nito sa International Police sakaling may managot sa anti-drug war campaign ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi nababago ang posisyon ni Pangulong Marcos na wala nang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil kumalas na ang bansa sa organisasyon.
“If the ICC makes a move, and courses the move through the Interpol and the Interpol makes the request to us for the arrest or delivery of the custody of a person subject to ICC jurisdiction, we will respond, favorably or positively to the Interpol request, kasi nagbe-benefit din tayo sa Interpol in other cases,” pahayag ni Bersamin.
“Hindi naman puwede sabihin na IC ang nag-request sa inyo to come to us, hindi na namin kayo papansinin, kung tayo ang magre-request sa Interpol hindi na rin tayo papansinin niyan because that is committee ang tawag doon eh. Committee, pakikipag-kaibigan, makikipag-mabuting—you know what that’s means no,” pahayag ni Bersamin.
Nahaharap sa kasong crimes against humanity sa ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa madugong anti-drug war campaign kung saan mahigit 6,000 drug personalities ang napatay.
Una rito, sinabi ni Justice Secretary Jesus “Boying” Crispin Remulla na lumalambot na ang paninindigan ng Pilipinas laban sa ICC.
“Walang namang definite na o klaro na sinabi na magko-cooperate kaagad. I do not even know kung anong ibig sabihin ni Secretary Boying. But as far as experience has given to the government shows, iyong request ng Interpol should always be respected, because the Interpol is also doing us service in other areas, similar to this. So, that’s the meaning of committee,” pahayag ni Bersamin.
“Iyong position is wala na tayo sa jurisdiction ng ICC, pero that does not necessarily mean because of what it just said, does that necessarily mean that the order of the ICC and force through the Interpol is to be ignored, I’m not saying na iyong ICC ang ina-ano natin, iyong Interpol ang pinagbibigyan natin,” pahayag ni Bersamin.