RollBall Mga kalahok sa roll ball team tryouts.

PH roll ball team tryouts para sa World Cup umarangkada na

548 Views

UMARANGKADA na kamakailan ang tryouts ng Philippine Roll Ball team sa Dona Petrona Subdivision covered court sa Quezon City.

Ilang pangunahing roller skaters mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila kasama ang nasa southern part nito na mula sa Muntinlupa at Laguna ang dumayo pa-Fairview upang mag-tryout sa isa sa mga bagong kinahihiligan na laro na pinagsama ang basketball, football at roller skating.

Ayon kay Philippine Roll Ball Association President Tony Ortega, unti-unti na sila nagpapalakas upang ma-catch up ang kanilang kondisyon bago lumipad pa-Dubai, UAE para sa 7th Roll Ball World Cup ngayong Disyembre 14-20.

“Nagpapalakas kami because we have a core team but we need 12 players to join this coming December. Maganda po ang turnout, ang kagandahan nga dito is madali sila i-adapt kasi basketball is very popular at karamihan po dito ay mga speed skaters na nag-compete internationally before at marunong rin sa basketball. Sa sports, walang political color kundi ang colors of the Philippine flag at ang lahat na ito ay inaalay sa Panginoon,” sabi ni Ortega.

Ipinahayag rin niya ang magiging expectations ng team pagdating sa World Cup katapat ang mga iba’t ibang bansa.

“A good example is Vietnam, na lamang sila sa experience at skills compared sa Pilipinas but we were able to beat them in the last Asian Championship. Nothing is impossible samahan ng prayer and practice and train para i-transfer ang ating knowledge at perspective ng roll ball from other countries,” dagdag niya.

Ikinatuwa rin ang suporta at tulong nina Senator Bong Go, Senate Sports Committee Chairman at ng Philippine Sports Commission sa tulong nina Chairman Patrick Gregorio at Commissioner Fritz Gaston para sa nasabing partisipasyon.

Umapela rin ng suporta ang grupo sa dagdag suporta mula sa mga senador, congressmen, LGUs at private companies.

“Marami po, may mga ilan na nagpahayag na committment at sana ma-reach out rin kina Congressman Marcy Teodoro of Marikina, Mayor Vico Sotto of Pasig and Vice Mayor Gian Sotto of Quezon City to help out to boost our appeal. We also appealing to private companies na may CSR na suportahan ito kasi yours truly were given exclusive rights to propagate Roll Ball in the country and the Southeast Asia,” dugtong pa niya.

Target ng koponan sa 2027 na magkaroon ng modest finish sa World Cup at maisama ang sport sa SEA Games na gaganapin sa Malaysia. By Gab Ferreras