Calendar
Phase 1 ng LRT-1 Cavite extension mahigit 82% ng tapos
NASA 82.7 porsyento ng tapos ang Phase 1 ng 11.7 kilometrong Light Rail Transit 1 Cavite Extension.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang operator ng LRT-1, tuloy-tuloy ang paggawa sa extension project na sinimulan noong Setyembre 2019.
Ginagawa na rin umano ang limang bagong istasyon. Ang Redemptorist Station ay 56 porsyento ng tapos, ang MIA Station ay nasa 61 porsyento na, ang Asia World ay nasa 51 porsyento, ang Ninoy Aquino Station ay 55 porsyento, at ang Dr. Santos Station ay 60 porsyento ng tapos.
Ayon kay LRMC President at CEO Juan F. Alfonso kumpiyansa ito na masisimulan ang operasyon ng Phase 1 sa huling bahagi ng 2024.
“The target this year is to complete all civil and equipment installation works so we can focus on commissioning the entire line by next year. Despite the challenges we have encountered, we remain focused and committed to deliver on our promise of upgrading the commuter experience,” ani Alfonso.
Mula ng hawakan ang operasyon ng LRT-1 noong 2015, ang LRMC ay nakapaglagak na ng P30 bilyon para sa pagpapaganda ng operasyon ng train system.