PCSO

Taga-Agusan nanalo ng P27.9M sa 6/49

90 Views

ISANG mananaya sa Agusan del Norte ang nanalo ng P27.9 milyong jackpot ng Super Lotto 6/49 sa bola noong Abril 13.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 48 – 19 – 10 – 17 – 47 – 49.

Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.