Maynila

PH”s most progressive city layunin ni Mayor Honey sa Manila

Edd Reyes Jan 5, 2025
20 Views

INILAHAD ni Mayor Honey Lacuna ang kanilang layunin na maging pinakaprogresibong lungsod ang Maynila sa kanyang unang pakikipagpulong sa mga hepe ng bawat departamento at mga pangunahing opisyal ng Manila City Hall ngayong 2025.

Ayon sa alkalde, iginagalang niya ang kalagayan ng Maynila ilang dekada na ang nakararaan bago at nang magkaroon ng pandemya subalit ang katotohanan kung ano ang kinakaharap ngayon ng Maynila dapat harapin at sukatin laban sa mga talaan ng nakaraan.

Sa ngayon, ang Maynila nasusukat sa pamamagitan ng mabuting pamamahala at pagiging mapagkumpitensya, ayon sa alkalde.

“In 2025, we build upon what we have accomplished since 2022. We are proud of our 2024 performance which we will present to the Department of the Interior and Local Government,” sabi pa ng alkalde.

Ipinagmalaki rin niya ang Seal of Good Local Governance ng DILG noong nakaraang taon para sa kanilang mga nagawa noong 2023 pati na ang nasungkit na ikalawang ranggo mula sa 33 highly urbanized cities sa buong bansa.

“Manila in 2023 is a close second to Pasig City in surplus. Manila’s 2023 surplus was over P3 billion. The capital city’s revenues hit P21.28 billion, surpassing Makati’s P20.87 billion,” sabi ni Mayor Lacuna.