Dij Rodriguez and Jovelyn Gonzaga Dij Rodriguez and Jovelyn Gonzaga. PNVF photo

Pinay spikers namayagpag

Theodore Jurado Mar 28, 2022
279 Views

NASA trangko ang Philippine beach volleyball teams para sa matagumpay na kampanya sa Southeast Asian Games matapos mag-uwi ng dalawang golds, isang silver at dalawang bronze medals sa 2022 Australia Beach Volleyball Tour championship Linggo sa Coolangatta Beach sa Brisbane.

Nagbunga ang unang pagtambal nina sand court legend Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez matapos ang 18-21, 21-19, 15-13 tagumpay laban Alice Zeimann at Anna Donlan upang pamumuan ang

Women’s Challenger Division I event.

Walang talo sina Gonzaga at Rodriguez sa limang laro ng three-day tournament na siyang top-tier domestic beach volleyball event saAustralian calendar.

Nagwagi sina Ranran Abdilla at Jaron Requinton ng ganito makaraan ang 22-20, 21-17 pagdispatsa kina Issa Batrane at Frederick Bialokoz sa Men’s Challenger Division I category.

Nagposte rin sina Abdilla at Requinton ng perfect 5-0 record.

Sa Women’s Elite, palabang nag-uwi sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ng silver matapos yumuko kina Nikki Laird at Phoebe Bell, 18-21, 12-21, sa finals.

Nakuha nina Nene Bautista at Gen Eslapor, na tulad nina Gonzaga at Rodriguez ay nagtambal sa unang pagkakataon, ang 21-13, 21-19 tagumpay laban kina Saskia De Haan at Lisa-marie Moegle upang makopo ang Women’s Challenger Division I bronze.

Nagsubi rin sina Pemie Bagalay at James Buytrago ng bronze sa Men’s Challenger Division I matapos ang 21-17, 21-12 pano laban kina Thomas Heptinstall ay Jed Walker.

Ang ikaanim na Philippine pair, Jude Garcia and Krung Arbasto, ay umabot naman sa Men’s Challenger Division I quarterfinals.