Vargas

PM Vargas, tuloy-tuloy ang paglilingkod sa QC kahit naka-break ang Kamara

Mar Rodriguez May 29, 2024
129 Views

Vargas1Vargas2BAGAMA’T matatagalan pa bago muling magbalik ang session sa Kamara de Representantes. Subalit tuloy-tuloy naman ang serbisyo at paglilingkod ni House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas para sa kaniyang mga ka-distrito.

Pinangunahan ni Vargas ang pagpapasinaya sa bagong Day Care Center na itinayo sa North Fairview na inaasahang malaki ang maitutulong para sa mga residente at mamamayan na naninirahan sa nasabing lugar.

Sinabi ni Vargas na bilang kongresista, hindi lamang nakatutok ang kaniyang tungkulin sa pagbabalangkas ng mga panukalang batas. Kundi ang magkaloob ng tulong para sa kaniyang mga ka-distrito partikular na sa mga mahihirap na mamamayan at pamilya ng QC.

Tiniyak din ni Vargas na magtutuloy-tuloy ang pagkakaloob nito ng serbisyo para sa kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng mga nakahilerang proyekto na magbibigay ng malaking pakinabang sa mga mamamayan ng Lungsod Quezon gaya ng pamamahagi ng cash assistance.

“Binabati po natin ang mga taga North Fairview para sa kanilang bagong gusali na tiyak na malaking tulong ang maibibigay sa kanila para sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. Maaasahan po ninyo na magtutuloy-tuloy ang ating mga proyekto para mas lalo pa naming kayong mapaglingkuran,” sabi ni Vargas.

Ipinahayag din ng Quezon City solon na kahit naka-break ang session sa Kongreso. Tuloy-tuloy ang kaniyang pagta-trabaho at paglilingkod para maipadama nito sa kaniyang mga kababayan ang mga programa ng Bagong Pilipinas para naman sa mga mamamayan ng Novaliches.

“Tuloy-tuloy ang ating pagta-trabaho at paglilingkod para maipadama ang mga programa ng Bagong Pilipinas para sa mga malaking pamilya natin sa Novaliches. Karangalan po natin na maging boses at kinatawan ng District 5 sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga panukalang batas at pagsasagawa ng mga proyekto ayon sa inyong pangangailangan,” wika pa ni Vargas.