Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Metro
Nahulog sa tricycle nag-landing sa langit
Melnie Ragasa Jimena
Jun 2, 2024
651
Views
NASAWI ang 58-anyos na babae ng mahulog sa sinasakyang tricycle noong Sabado sa Quezon City.
Sa Quezon City General Hospital (QCGH) namatay si Josephine Bacud Iringan, ng Brgy. Apolonio Samson, Quezon City dahil sa mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan dahil sa pagkahulog.
Batay sa imbestigasyon ni PSSg Jayson Gutierrez ng QCPD-District Traffic Enforcement Unit (DTEU)-Traffic Sector 1, nahulog ang biktima dakong alas-3:30 ng hapon sa Kaingin Road, Brgy. Apolonio Samson, QC.
Minamaneho ni Candido Sacdalan Evangelista, 66, ang kanyang tricycle (561 TCS) nang biglang mahulog ang biktima.
Nasa kustodiya na ng QCPD-DTEU Traffic Sector 1 si Evangelista na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.
