OFW

Popularidad ng OFW Party List nananatiling matatag batay sa survey ng SWS

Mar Rodriguez Feb 28, 2025
20 Views

BAGAMA’T bahagyang “nag-backslide” ang popularidad ng OFW Party List Group. Subalit nananatili parin itong matatag bunsod ng lumakaking suporta ng libo-libong Overseas Filipino Wokers (OFWs) batay sa pinaka-huling survey ng Social Weather Station (SWS).

Sabi ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino na sa kabila ng pagdausdos ng popularity rating ng kanilang grupo ay patuloy parin na tumataas ang suporta para sa OFW PL matapos nitong makuha ang ika-19 na puwesto base sa survey ng SWS.

Ayon kay Magsino, isinagawa ang SWS pre-election survey nitong Pebrero 2025 kung saan maituturing pa rin na malaking pag-angat ang popularidad ng OFW PL kumpara sa dating ika-29 na puwesto nito noong nakaraang Disyembre 2024.

Ipinahayag ni Magsino na bagama’t nag-backslide ang popularidad ng OFW Party List, ang mahalaga pa rin aniya ay nananatili ang suporta ng libo-libong OFWs at Migrant workers na naniniwala sa adbokasiyang ipinaglalaban nito sa Kamara.

Batay sa SWS survey, nakakuha ang OFW Party List ng 0.97% noong nakaraang Disyembre at nasa 1.23% ngayong Pebrero sa kabuuang 156 Party List Groups na lumahok ngayong 2025 elections. Winika pa ng kongresista na patuloy ang pag-angat ng OFW PL.

Pagdidiin ni Magsino na pinapakita lamang aniya nito na lalong lumalakas ang impluwensiya ng OFW PL bunsod ng pagmamahal na ipinapakita ng mga OFWs at kanilang pamilya dahil karamihan sa kanila ang natulungan nito ng personal gaya ng medical assistance.

Naniniwala din ang kongresista na ang suportang nakukuha nito mula sa mga OFWs at Migrant workers ay dulot ng ilang panukalang batas na naihain nito sa Kamara de Representantes tulad ng Magna Carta of Filipino Seafarers, internet voting tulong sa repatriation, mga hakbang laban sa human trafficking at pagsusulong ng mas matibay na proteksiyon para sa mga manggagawang Pilipino sa abroad.