Sara1

Pre-trial sa VP Sara impeachment itinakda sa Hunyo 18

48 Views

ITINAKDA ng Senate impeachment court, sa pamamagitan ng isang notice, ang pre-trial conference sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa Hunyo 18, kung saan inatasan si Duterte at ang House prosecution panel na humarap sa Senado sa ganap na alas-9 ng umaga.

Tatalakayin dito ang stipulation of facts, simplification of issues, marking of evidence at identification of witnesses.

Inaasahan ding pag-uusapan sa pagdinig ang mga iminungkahing petsa ng trial at ang pagkakasunod-sunod ng presentasyon ng ebidensya at testimonya.

Ang pagtatakda ng pre-trial conference ay hindi nangangahulugan na magsisimula na ang trial proper sa Hunyo 18.

Inilabas ang notice sa gitna ng patuloy na leadership dispute sa Senado sa pagitan ng bloc na kumikilala kay Sherwin Gatchalian bilang acting Senate President at ng kampo ni Senador Alan Peter Cayetano.

Kinuwestiyon ng kampo ni Cayetano ang bisa ng pagbabago sa liderato.

Inaasahang aayusin sa pre-trial conference ang mga isyu, ebidensya, testigo at schedule bago ang trial proper.