PCO

Pres’l appointees sa PCO pinagsubmit ng resignation letter

Chona Yu Mar 1, 2025
13 Views

PINAGSUMITE ng resignation letter ni Executive Secretary Licas Bersamin ang lahat ng presidential appointees na nasa ilalim tanggapan ni bagong talagang Presidential Communications Office Acting Secretary Jay Ruiz.

Batay sa memorandum, saklaw ng direktiba ang lahat ng emplyeado ng PCO na hindi permanente ang pagkakatalaga, pati na rin ang mga itinalaga sa Government-Owned and Controlled Corporations na konektado sa PCO at nasa acting capacity o holdover status.

Layon ng hakbang na ito na mabigyan ng kalayaan ang bagong kalihim ng PCO sa maayos na pagganap ng kanyang mga tungkulin at responsibilidad.

Itinakda ang huling araw ng pagsusumite ng courtesy resignation noong February 25.

Habang wala pang aksyon mula sa Pangulo o sa opisyal na naglabas ng kautusan, inatasan ang mga saklaw na appointees na ipagpatuloy ang kanilang regular na trabaho at responsibilidad.