Fuel

Produktong petrolyo magmamahal ng 30 sentimos/litro

Edd Reyes Jan 12, 2026
273 Views

BAGONG taon kaya bagong pagtaas na aabot ng 30 sentimos sa presyo ng gasolina at kerosene ang ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa Martes ng umaga, ayon sa Department of Energy.

Sa anunsiyo ng PTT Philippines, Petro Gazz, Unioil, at Total Philippines, alas-6:01 ng umaga epektibo ang taas-presyo habang alas-4:01 ng hapon ang Clean Fuel.

Magdaragdag din ng 30 sentimos sa litro ng kerosene ang Petron, Pilipinas Shell, Chevron at Seaoil na epektibo rin simula alas-6:01 ng umaga.

Sinabi ni PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian na sumusunod lamang sa dikta ng pandaigdigang pamilihan ng langis ang mga lokal na kompanya.