Calendar

Programa, suporta para sa mango farming industry kinakailangan ilatag — Villar
BINIGYANG DIIN ni House Deputy Speaker at Nacionalista Party (NP) Senatorial candidate Camille A. Villar ang kahalagahan ng paglalatag ng mga programa at kaukulang suporta para sa farming mango industry kasunod ng ginawa nitong pagbisita sa San Carlos, Pangasinan.
Sabi ni Villar na napakahalaga na magkaroon ng suporta ang gobyerno para sa industriya ng mango farming sapagkat kilala aniya ang Pilipinas bilang nangungunang bansa na umaani o nagpo-produce ng mangga sa buong mundo.
Kasabay nito, pinasalamatan naman ni Villar sina San Carlos City Mayor Julier “Ayo” Resuello at Board Member Vici Ventanilla mula sa Ikatlong Distrito ng Pangasinan kabilang na ang lahat ng mamamayan ng San Carlos City matapos itong maimbitahan para sa Mango-Bamboo Festival na ginanap sa Rizal Avenue, San Carlos City.
Ipinahayag din ng NP senatorial bet na ang mangga ang pangalawa sa pinaka-nakokonsumong produkto sa buong mundo na nasa ika-28 porsiyento kasunod ng saging na nasa 29 porsiyento.
Dagdag pa ni Villar na ang Pilipinas naman ay nasa ika-sampung puwesto bilang bansang may produksiyon ng mangga sa buong mundo.
“Ang mangga po ang second largest mosed used fruit in the world. Kaya’t nakaka-proud po na ito ang isinusulong na industriya niyo dito sa San Carlos City,” wika ni Villar.
Paliwanag pa ni Villar na malaking tulong para sa mga mamamayan ang naibibigay ng mango farming dahil sa pamamagitan nito ay maraming Pilipino ang nabibigyan ng trabaho at kabuhayan o negosyo.
“Nasisiguro po natin na bukod sa makakapagbigay sa atin ng pagkain ay tiyak po na ito rin ay bubuhay at magpapa-angat ng buhay ng ating mga kababayan,” dagdag pa ni Villar.
Ipinabatid pa ng House Deputy Speaker na kinakailangan talagang lalo pang isulong at palakasin ang sektor ng agrikultura para mapaunlad ang farm production sa bansa.
To God be the Glory