Romero1

Proteksiyon para sa mga manggagawa, artista, iba pang tauhan sa pelikula, TV at teatro isinulong ng 1-PACMAN Party List Group

Mar Rodriguez Dec 1, 2022
327 Views

NAIS pangalagaan ng 1-PACMAN Party List Group sa Kongreso ang kapakanan, kagalingan at kaligtasan ng mga manggagawa, artista at iba pang tauhan na nagta-trabaho sa industriya ng pelikula, telebisyon, at teatro. Matapos nilang ihain ang isang panukalang batas na magbibigay ng kaukulang proteksiyon para sa kanila.

Isinulong ni 1-PACMAN Party List. Cong. Michael “Mikee” L. Romero ang House Bill No. 1760 sa Kamara de Representantes na ang pangunahing ay mapangalagaan at ma-protektahan ang mga artista, director, crew at iba pang tauhan sa pelikula, telebisyon at teatro.

Ipinaliwanag ni Romero na ang tinutukoy na proteksiyon na nakapaloob sa kaniyang panukalang batas ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tinatawag na “safe work place” para sa lahat ng tauhan sa mga nasabing industriya upang maiwasan ang isang aksidente o trahedya habang sila’y nagta-trabaho o nagsho-shooting.

Inihalimbawa ni Romero ang insidenteng nangyari sa veteran, multi-awarded actor at Film Director na si Eddie Garcia o Eduardo V. Garcia sa tunay na buhay. Kung saan, natisod ang aktor sa nakahambalang na kable habang nagso-shooting para GMA Network production.

“Under this House Bill, the film, television and theater industry are required to provide a safe workplace for all its workers and employees. Workplace safety and health protocols shall be primordial to eliminate personal injuries, illness or even death from occurring inside the workplace.

Sinabi ng kongresista na dahil sa pangyayaring ito, agarang isinugod si Garcia sa pinaka-malapit na Ospital. Subalit ang nasabing aktor ay naging “comatose” sa loob ng labing-dalawang araw hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay noong Hunyo 20, 2019.

Dahil dito, binigyang diin ni Romero na nakapaloob sa kaniyang panukala na dapat maging “requirement” para sa lahat ng movie industry, TV Network at iba pang institusyon ng pelikula na magkaroon sila ng “safe workplace” para sa kanilang mga tauhan upang maiwasan ang mga insidente katulad ng nangyari kay Eddie Garcia.

Ikinatuwiran pa ni Romero na ang kaligtasan at kapakanan ng mga artista, talents, crew at iba pang tauhan sa mga nasabing industriya ang kinakailangang maging pangunahing “priority” ng mga may-ari ng movie industry at TV networks. Sapagkat kung hindi sa kanila ay hindi kikita ang kanilang negosyo.