Dy

Proteksyon ng Cagayan River Basin vs climate change isinulong

211 Views

NAIS ng isang Central Luzon congressman na mapangalagaan at ma-protektahan ang Cagayan River Basin mula sa unti-unti hanggang sa tuluyang pagkasira nito bunsod ng lumalalang climate change alinsunod sa naging pag-aaral ng mga siyentipiko.

Isinulong ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A Dy V ang House Bill No. 1136 sa Kamara de Representantes upang agad na ma-protektahan at mapangalagaan ang Cagayan River Basin mula sa mapamuksang climate change sa pamamagitan ng isasagawang rehabilitation dito.

Iminumungkahi ni Dy na napakaloob sa HB No. 1136 ang pagtatatag ng Cagayan River Basin Development Authority (CRBDA) na ang magiging pangunahing tungkulin ay magkaroon ng rehabilitation, development at protection sa waterways ng Cagayan River Basin.

Sinabi ni Dy na ang CRBDA ang siyang magpo-provide o magbabalangkas ng mga pagpaplano at maging ang pamamahala para sa gagawing rehabilitation ng nasabing ilog. Kabilang din dito ang pakikipag-coordinate sa iva’t-ibang ahensiya ng pamahalaan at Local Government Units (LGUs).

Ipinaliwanag ng kongresista na malaking bahagi ng Cagayan River Basin ang unti-unting nasisira dahil sa tumitinding climate change na iniulat din ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay Dy, maraming magsasaka at residente ang umaasa sa Cagayan River Basin para sa kanilang sakahan at kabuhayan. Kung saan, tinatayang P2.1 Bilyon ang nawawala sa mga magsasaka at residente bunsod ng unti-unting distruksiyon ng nabanggit na ilog.

“Climate change has exacted a heavy toll on the Cagayan River Basin. PAGASA reports that the river suffered its worst drought in April 2019, when recorded topping heat destroyed vast tracts of farmland, rendering useless 48,394 hectares of palay and 66,963 hectares of corn. According to estimates, the total losses amounted to P2. Billion,” paliwanag ni Dy.