Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Provincial
OVP nagbigay ng tulong sa mga binaha sa Zamboanga
Peoples Taliba Editor
Dec 28, 2022
661
Views
NAGDALA ng ayuda ang Office of the Vice President-Disaster Operations Center (OVP-DOC) sa mga binaha sa Zamboanga City.
Inihatid ng OVP-DOC ang mga relief pack sa tulong ng Western Mindanao Command, Marine Batallion Landing Team 11, 74th Infantry Batallion, OVP Zamboanga Satellite Office, at Social Welfare and Development Office of Zamboanga City.
Ang mga relief pack ay may lamang tubig, sanitary item, sleeping mat, kumot, kulambo, at face mask.
Ang mga hinatiran ng tulong noong Linggo ay ang mga nasa Barangay Putik, Cabuluay, Culianan, Pasolobong at Boalan. Kinabukasan naman ng madala ang mga relief box sa Barangay Tumaga.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga City mahigit 400 residente ang nasa mga evacuation center ng lungsod.
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Baccay siniguro kaligtasan ng lahat ngayong Undas
Oct 31, 2026
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026

