Calendar
Proteksyon sa 1.5M freelance workers pasado na sa Kamara
UPANG maproteksyunan ng kapakanan ng may 1.5 milyong freelance worker sa bansa, inaprubahan ng Kamara de Representantes ang House Bill 6718 o ang Freelance Workers Protection Act.
Walang tumutol sa pag-apruba sa panukala na nakatanggap ng 250 pabor na boto.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagganda ng internet connectivity sa bansa ay nagbukas ng mga bagong oportunidad sa mga manggagawa na kumita.
Pero maaari umanong maabuso ang mga freelance worker kaya makabubuti na magpasa ng batas upang maproteksyunan ang mga ito.
“As the digital economy expands, the number of Filipino freelance workers also increases. And if no laws are in place to protect our gig economy freelancers or to establish a formal grievance system to enforce their rights, they will be susceptible to all kinds of abuse,” ani Speaker Romualdez.
Sa ilalim ng panukala, ang isang freelance worker ay dapat bayaran ng night differential at hazard pay kung angkop sa ginagawa nitong pagtatrabaho.
“As a sector with an exploding growth spurt in the coming years, they need protective cover under our laws to ensure their transition as a significant driver of our economy,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Bukod sa pagtanggap ng angkop na bayad, dapat ay mayroon din umanong kontrata ang freelance worker at ang pagseserbisyuhan nito. Nakasaad sa kontrata ang saklaw ng trabaho at ang bayad.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P50,000 hanggang P500,000.