Calendar
Proteksyon sa PWDs hiniling
IGINIIT ni Quezon City Rep. Patrick Michael “PM” D. Vargas ang panawagan niya para sa mas maigting na social protection para sa mga Person’s With Disability (PWDs).
Kasabay nito, isinusulong ni Vargas ang “landmark legislation” na inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong magkaroon ng support allowance para sa mga PWDs.
Sinabi ni Vargas na layunin din ng House Bill No. 3770 o ang Disability Support Allowance for Persona with Disability Act na ma-institutionalize ang pangkalahatang monthly support allowance na P2,000 para sa lahat ng PWDs.
Paliwanag niya ito ay isang konkretong hakbang para matugunan ang matagal ng probla ng mga PWDs kaugnay sa “socioeconomic barriers”.
“Hindi pantay ang lipunan lalo na para sa mga persons with disability. Kaya tungkulin nating isa-isahin at ayusin ang mga bagay na naglalagay sa kanila sa dehado,” wika ni Vargas.
Tiniyak ng kongresista na hindi man agad-agad subalit sisikapin nitong maituwid ang sistema na matagal ng hindi patas para sa mga PWDs.

