Holdup

Pulis nabaril sa ulo ng holdup suspect, dedo

Steve A. Gosuico Oct 22, 2024
10 Views

PENARANDA, Nueva Ecija — Utas ang pulis sa madugong nakawan sa isang supermarket sa lugar na ito noong Linggo.

Nakilala ang napatay na si Staff Sgt. Jhon Espinoza.

Natodas ang pulis nang rumesponde sa robbery-break in sa STM Supermercado sa Brgy. Poblacion Uno dakong alas-12:16 ng madaling araw.

Nagkaroon ng palitan ng putok ang mga kawatan at pulis ngunit sa kasamaang palad tinamaan sa ulo si Espinoza.

Isinugod sa Gapan District Hospital ang biktima kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

Nakiramay sa naulilang pamilya ni Espinoza ang Nueva Ecija police at pinarangalan sa kanyang katapangan at dedikasyon sa tungkulin.

“Ang kanyang sakripisyo maaalala magpakailanman at ang kanyang pamana magbibigay-inspirasyon sa amin na magpatuloy sa paglilingkod at pagprotekta sa komunidad nang may karangalan. May he rest in peace,” sabi ni P/Col. Ferdinand Germino, hepe ng pulisya.

Nakiramay si Mayor Joselito Ramos sa naulilang pamilya ng nasawing pulis at tinawag niya ito na nakakalungkot na pangyayari at isang “isolated case.”