Gabonada Sa pamamagitan ni House Deputy Secretary General Sofonias P. Gabonada Jr., sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez’s office, kasama sina Tingog Partylist Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ay naghatid ng ayuda ng pagkain at cash na nagkakahalaga ng P600,000 sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Oriental Mindoro nitong Huwebes. Kuha ni VER NOVENO

Pulis, sundalo, kababaihan, estudyante natulungan sa inisyatiba ni Speaker Romualdez, Tingog

Mar Rodriguez Mar 24, 2024
140 Views

SA pagsusumikap ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog party-list na pinangungunahan ni Rep. Yedda Marie K. Romualdez nahatiran ng tulong ang mga pulis, sundalo, kababaihan, at estudyante.

Si House Deputy Secretary-General Sofonias P. Gabonada Jr. ang kumatawan kay Speaker Romualdez at Tingog sa paghahatid nito ng tulong noong Marso 21 sa Oriental Mindoro.

Nagkakahalaga ng kabuuang P600,000 ang tulong na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 402nd Infantry Brigade ng Philippine Army at Region IV-B MIMAROPA Regional Police Office.

“Ipinaaabot po ni Speaker Romualdez at ng Tingog Partylist ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa serbisyong inyong hinahatid para sa pagtatanggol sa ating mga mamamayan,” ani Gabonada.

Nasa 856 scholar ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) naman sa Gingoog City, Misamis Oriental naman ang binigyan ng tig-P3,000 cash assistance mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program ng DSWD.

Si Gabonada rin ang kumatawan kay Speaker Romualdez sa event na ginanap kasabay ng ika-19 na pagtatapos ng Lorenz International Skills Training Academy Inc. (LISTA) na ginanap sa Arturo S. Lugod Memorial Gym, Gingoog City.

Bukod sa cash assistance, ang mga scholar ay nakatanggap din ni P15,000 hanggang P25,000 halaga ng scholarship mula sa TESDA. Binigyan din ang mga ito ng tig-5 kilo ng bigas.

Bilang bahagi naman ng pagdiriwang ng Women’s Month, nagbigay ng cash assistance sa may 3,000 kababaihan sa Gingoog City sa ilalim ng AICS program. Ginanap ang payout sa Gingoog City Comprehensive National High School.

Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Gabonada na “walang kamatayan ang ating pagmamahal sa ating mga nanay.”

Sinabi ni Gabonado na patuloy na kikilos ang tanggapan ni Speaker Romualdez at Tingog upang matulungan ang mga nangangailangan para maibsan ang kanilang paghihirap at makaahon sa kinakaharap na hamon.