Amain

Pulisya nalambat ‘utak; sa pagpatay ng kelo sa P’Que

Edd Reyes Sep 9, 2024
19 Views

NATIKLO ng pulisya ang umano’y utak sa pagpatay sa 28-anyos na lalaki at malubhang pagkasugat sa nakababatang kapatid nito na naganap kamakailan sa Paranaque City.

Nadakip ang umano’y utak sa krimen na si alyas Virgilio, 52, amain ng biktima, noong Biyernes ng alas-11:00 ng umaga sa John Paul St., Paranaque.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete, naganap ang krimen noong Agosto 31 ala-1:45 ng madaling araw nang pasukin ng anim na hindi kilalang armadong suspek na sakay ng itim na utility van ang bahay ng magkapatid na biktima.

Pinagbabaril ng mga suspek sina alyas Kurt, 28, at alyas Kirby, 26, na ikinamatay ni Kurt at malubhang ikinasugat ng huli.

Tumakas ang mga salarin tangay ang mga mahahalagang gamit ng dalawang biktima. Base sa pagsisiyasat, lumabas na si alyas Virgilio ang utak sa krimen.

Naiprisinta na sa piskalya sa pamamagitan ng online inquest proceeding ang suspek na sinaksihan ng kanyang abogado para sa paghahain ng mga kasong robbery with homicide at frustrated murder.

Tiniyak ni Rosete ang patuloy na pagtugis sa iba pang mga sangkot sa pagpatay upang mapanagot sa krimen.