Marianito Augustin

Puspusan ang pagta-trabaho ng TWG ng Transportation Committee

168 Views

MadronaMadrona1Madrona2MASYADONG masigasig ang pagtatrabaho ng vice-chairperson ng House Committee on Transportation at Chairperson ng Technical Working Group (TWG) na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona para talakayin ang panukalang batas kaugnay sa modernization ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay Madrona, chairman din ng House Committee on Tourism, wala silang sinasayang na sandali sapagkat pinagsusunugan nila ngayon ng kilay para agad na maisalang sa Plenaryo ng Kamara de Representantes ang panukalang batas para sa napapanahong modernization ng PCG.

Ipinaliwanag ni Madrona na ang kasalukuyang ginagawa nila ay ang pagsasa-ayos o ang pag-fine tune sa nasabing panuakala para mapolido ang mga nilalaman nito bago maisalang sa Plenaryo para sa tuluyang pagsasabatas. Inaasahang maipapasa ang panukala bago matapos ang 2024.

Sabi ni Madrona, kabilang sa mga opisyal ng PCG na dumalo sa pagdinig ng TWG para sa isinusulong na Organizational Reforms ng PCG ay sina CGLLA Commander Captain Oliver S. Tanseco, Commander John Stranger D. Lachaona, Jr., Commander Legal Services Captain Donnette Dolina at iba pa.

Ipinabatid pa ni Madrona na matapos ang isinagawang hearing ng Committee on Transportation – TWG. Agad naman siyang nagtungo sa Senado para dumalo sa Public Hearing patungkol sa House Bill No. 9154 na nauna ng inaprubahan ng Kongreso noong nakalipas na November 7, 2023.

Sinabi ng kongresista na layunin ng HB No. 9154 na pagkalooban ng prangkisa at makapag-operate ng electric power ang kompanya para sa Munisipalidad ng Banton, Corcuera at Concepcion Romblon.

“The Bill was approved on the Committee level and we are optimistic to be approved by the Senate. While Senators Grace Poe, Win Gatchalian and JV Ejercito declared their full support for this measure,” sabi ni Madrona.

Harassment ng China sa PCG dapat pag-usapan sa TWG

Marahil ay kinakailangan din pag-usapan kundi man sa loob ng TWG ay mismong sa House Committee on Transportation ang ginagawang pambu-bully ng China sa mga tauhan ng PCG sa West Philippine Seas (WPS).

Subalit nang minsan natin makapanayam si Madrona ay nabanggit niyang ang kanilang tinatalakay sa TWG ay hindi naman ang problema ng PCG sa WPS. Kundi ang modernization ng Coast Guard. Kabilang na dito ang pagsasa-ayos ng kanilang mandato (kung hindi ako nagkakamali).

Ang sa akin lang naman, masyado na kasing nakaka-alarma ang ginagawang harassment ng China sa mga tauhan ng PCG. Gayunman, hinahangaan natin ang katatagan ng PCG, sa kabila ng mga panggigipit ng mga Intsik sa kanila sa pamamagitan ng pambobomba ng water cannon.

Nananatiling “cool” ang mga tauhan ng Coast Guard. Marahil ay ganito rin ang gagawin ni Madrona. Sa halip na magpadala sa simbuyo ng damdamin, mas pipiliin niya na idaan sa tamang proseso ang ating setimyento laban sa China. Hindi naman kailangan tayong magpadalos-dalos.