COA2

QC pinakamayamang lungsod sa bansa

194 Views

ANG Quezon City ang pinakamayamang lungsod sa bansa, ayon sa 2021 Annual Financial Report ng Commission on Audit (COA).

Nagkakahalaga ang yaman ng Quezon City ng P451.007 bilyon noong 2021 bahagyang bumaba kumpara sa P452.333 bilyong yaman nito noong 2020.

Pumangalawa naman ang Makati City na mayroong P238.562 bilyong asset mas mataas sa P238.465 bilyong asset nito noong 2020.

Pumangatlo naman ang Manila na may P65.253 bilyon at sinundan ng Pasig City (P51.176 bilyon), Taguig City (P36.117 bilyon), Cebu City (P33.343 bilyon), Mandaue City (P33.007 bilyon), Mandaluyong City (P31.440 bilyon), Davao City (P26.556 bilyon), at Caloocan City (P23.383 bilyon).

Mayroong 146 siyudad sa bansa.