Cash

QC resto hinoldap; cash CP ng mga kostumer tinangay

39 Views

PINASOK ng apat na holdaper ang isang restaurant sa Quezon City at tinangay ang mga cellphone at pera ng mga kostumer noong Sabado.

Sa report ng Project 6 Police Station (PS 15) ng Quezon City Police Disrict (QCPD), bandang alas-10:39 ng gabi nang maganap ang insidente sa ChikTen Wings Restaurant sa 19 Congressional Ave., Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl Rigor Resonable, abala ang mga staff ng restaurant sa pag-asiste sa mga kostumer nang biglang pumasok ang dalawa sa apat na suspek na armado ng mga baril at nagdeklara ng holdap.

Nilimas ng mga suspek ang P60,700 halaga ng mga cellphone at P10,000 cash ng mga biktima at kostumer, Samsung tablet na nagkakahalaga ng P10,000 at ang cashier box na naglalaman ng P22,000.

Sumakay ang mga suspek sa Honda Click at Honda PCX kung saan naghihintay ang dalawa pa nilang kasamahan na nagsilbing lookout.