Atayde Ang Quezon City District 1 Warriors ni Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde.

QC Warriors ni Atayde nagpasikat

Robert Andaya Jul 1, 2024
192 Views

KAHIT sa Indonesia, nagpa-sikat ang District 1 Warriors Philippines ni Quezon City First District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde.

Pinayuko ng QC District 1 Warriors ang ACBA Tigers Sydney, 75-71, sa isang makapigil-hiningang sagupaan upang masungkit ang kirona sa Mutant 2024 Cahaya Lestari Surabaya (CLS) Cup International Invitational League Under-23 basketball tournament sa Indonesia kamakailan.

Limang players, sa pangunguna nina Custodio Lastra Jr. at Christopher Ang, ang umiskor ng double figures para sa QC District 1Warriors.

Pinuri ni Atayde ang team pati na ang mga coaches na sina Dale Lacorte and Vis Valenciasa panalo laban sa Australian team.

“I salute this team for showing the world how Filipinos respond to pressure and adversity. Hindi sila bumigay, hindi sila bumitaw — yan ang pusong Pinoy,” pahayag ni Atayde, na miyembro din ng Youth and Sports Development Committee sa House of Representatives.

Sinabi pa niya na ang 5-1 win-loss record ng QC District 1 Warriors ay patunay ng magandang preparasyon at determination ng team.

Nanguna para sa QC District 1 Warriors sina Lastra (13 points), Ang (11), Christian Jake Agoncillo (10), Warren Calara (10) at Jermiah Guzman (10).

Ang iba pang miyembro ng team, na nagmula lahat sa District 1 ng Quezon City ay sina Ryan Arceo, Danren Nepomuceno, Joeben Loria, Patrick Buena, at Andrei Diaz, at team coordinator Carl Lorenz Eserjose.

Ang nasabing mga players ay napili mula sa series of tryouts sa quezon City District1 na itinaguyod ni Atayde sa ilalim ng D1 Basketball League.

Bujod sa basketball, aktibo din si Ataydecsa ibang sports gaya ng fencing, football at volleyball.