Silvio

QCPD cops hinuli 200 kriminal

140 Views

NASA 200 katao ang naaresto ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 6, 2025, ayon kay acting QCPD director P/Col. Randy Glenn Silvio.

Sa kampanya laban sa illegal na droga, 45 na operasyon ang naisagawa ng QCPD na nagresulta sa pagkakaaresto ng 59 suspek at pagkakakumpiska ng tinatayang P757,764 na halaga ng iligal na droga.

Nadakip naman ang 78 indibidwal dahil sa halu-halong kaso. Ilan sa mga naaresto sina alyas Roniel, 44; Arturo, 65; dahil sa kasong malicious mischief, less serious physical injuries at frustrated homicide. Nahuli din si alyas Romnick, 31; Rodel, 30; Vicente, 60; at Rutzen, 35.

Sa kampanya kontra ilegal na sugal, nagsagawa ang pulisya ng 36 operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 55 katao at pagkakakumpiska ng P16,276 na halaga ng taya.

Sa operasyon laban sa ilegal na baril, 8 indibidwal ang naaresto at 8 armas ang nakumpiska.

Pinasalamatan ni PCol. Silvio ang mga tauhan ng QCPD at binigyang-diin ang kanilang pagpapatuloy na laban sa kriminalidad.

“Patunay ang mga accomplishment na ito na hindi tumitigil ang QCPD sa laban kontra kriminalidad, illegal drugs, at iba pang ilegal na aktibidad. Patuloy naming isinasagawa ang mga operasyon para matiyak ang mas ligtas at mas mapayapang Quezon City para sa lahat,” sabi ni Silvio.