Calendar
QCPD members rumemate; 215 kalaboso kriminal kalaboso
UMABOT sa 215 suspek sa halu-halong krimen ang nadakip ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) noong Nob. 23-29, 2025, ayon kay QCPD acting director P/Col. Randy Glenn Silvio.
Sa kampanya kontra ilegal na droga, nagsagawa ang QCPD ng 46 operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 70 drug suspects at pagkakakumpiska ng humigit-kumulang P788,592 na halaga ng ilegal na droga.
Sa operasyon laban sa mga wanted persons, 83 indibidwal ang naaresto. Kasama sa natiklo sina alyas Alexander, 44; Rogie, 46; Sherwin, 49; Cesar, 54; at Joseph, 41.
Sa kampanya laban sa ilegal na sugal, nagsagawa ng 39 operasyon ang pulisya, na nagresulta sa pagkakahuli ng 56 na suspek at pagkakakumpiska ng P19,930 bet money.
Nagpatupad din ang QCPD ng 6 operasyon kontra illegal possession of firearms na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 6 na baril at pagkakaaresto ng 6 na suspek.
Nagsampa na ng kaukulang kaso ang QCPD laban sa mga nadakip para sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), PD 1602 (Anti-Illegal Gambling Law), at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
“Ipinakikita ng mga operasyon na ito ang aming tapat at tuloy-tuloy na paghahangad na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Quezon City.
Sa pagkakaaresto sa mga lumalabag sa batas, malinaw naming ipinapakita na hindi namin kukunsintihin ang anumang uri ng kriminalidad,” sabi ni P/Col. Silvio.

