Calendar
QCPD nalambat suspek sa gahasa, pagpatay sa caregiver sa QC
NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tinuturong suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang caregiver sa Quezon City
Sa report ng Laloma Police Station naaresto ang 25-anyos na suspek habang naglalakad sa Dagupan Street sa Barangay 184 dakong 9:53 ng umaga.
Ayon sa pulisya, bumunot umano ng .38 caliber na baril ang suspek nang mapansin niyang papalapit sa kanya ang mga awtoridad, ngunit agad siyang nadisarmahan at nadakip.
Itinuturing siyang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang caregiver sa isang bahay sa N.S. Amoranto Street sa Barangay Maharlika, na nadiskubre noong Linggo bandang 8 a.m.
Natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa pamamagitan ng CCTV footage, kung saan nakita siyang pumasok sa bahay na nakasuot ng puting T-shirt at umalis na nakasuot ng asul na T-shirt.
Base sa police records, dati na siyang naaresto dahil sa pagnanakaw at illegal gambling.

