MWP

QCPD winalis 10 suspek sa iba’t-ibang kaso

499 Views

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 10 suspek sa iba’t-ibang krimen sa magkakahiwalay na manhunt sa lungsod.

Naaresto ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) at Galas Police Station 11 sina alyas Randy, 35; at Michael, 34, dahil sa paglabag sa RA 9165.

Naaresto din si alyas Dante, 41, na may kasong qualified statutory rape, qualified sexual assault at attempted qualified rape.

Naaresto rin ng Masambong Police Station (PS 2) si alyas Mark, 29, dahil sa paglabag sa anti-carnapping Act.

Nadakip ng Novaliches Police Station 4 si alyas Jubinal, 48, dahil sa kasong acts of lasciviousness.

Naaresto ng Batasan Police Station 6 si alyas Jacques, 62, dahil sa tatlong kaso ng paglabag sa RA 9165.

Samantala, naaresto ng Project 4 Police Station 8 si alyas Kaylle, 22, na may kasong statutory rape at sexual assault.

Nadakip din ng Kamuning Police Station 10 si alyas Jay Ar, 33, dahil sa paglabag sa RA 9165.

Naaresto naman ng Payatas Bagong Silangan Police Station 13 si alyas Oscar, 29, sa New BJMP, Bagong Silangan para sa mga kasong robbery, murder at iba pang paglabag sa RA 9165.

Hinuli rin ng PS 14 si alyas Jerome, 29, dahil sa paglabag sa RA 9165.

Nagsilbi ng warrant of arrest ang Project 6 Police Station kay alyas Jeric, 32, na may kinakaharap na kasong qualified rape bukod pa sa dati niyang kasong statutory rape.