Quiapo Church

Quiapo church idedeklarang National Shrine

340 Views

IDEDEKLARANG National Shrine ang Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church.

Ayon sa Department of Tourism, Culture, and Arts of Manila ang deklarasyon ay opisyal na gagawin sa Enero 29.

“Viva Nuestro Padre Jesus Nazareno!” sabi ng DTCA. “The Minor Basilica of the Black Nazarene will be solemnly declared a National Shrine on January 29, 2024.”

Ayon sa Quiapo Church opisyal na tatanggapin ni Msgr. Bernando Pantin mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines ang Decree of Establishment as a National Shrine sa nabanggit na petsa.

Ang Quiapo Church ay naging Archdiocesan Shrine noong Mayo at idineklara na isang minor basilica noong 1987.