Just In

Calendar

October 2026
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Tulfo

Raffy Tulfo binatikos paulit-ulit na liability warnings

17 Views

KINUWESTYON ni Sen.-Judge Raffy Tulfo ang paulit-ulit na pagbanggit ng depensa sa posibleng criminal liability kaugnay ng disclosure ng Anti-Money Laundering Council records dahil nagdudulot ito ng takot sa witness, media at maging sa mga senator-judge na gustong magtanong.

Naganap ang interjection sa cross-examination kay AMLC Executive Director Atty. Ronel Buenaventura matapos paulit-ulit na balikan ng depensa ang legal consequences ng paglalabas ng confidential AMLC information.

“Pati media tinatakot, mayroon pa mga 500,000. I mean, come on,” sinabi ni Tulfo.

Tinukoy din niya si Sen. Lito Lapid, sinabing ang paulit-ulit na warnings ay nakaaapekto na sa kagustuhan nitong magtanong.

“Tuloy si Lito Lapid, takot na magsalita. Paano pang magsalita? Lito Lapid magtanong. Tinatakot si Lito Lapid, come on,” sinabi ni Tulfo.

Sinabi rin ni Tulfo na matagal nang nasa witness stand si Buenaventura at kapansin-pansing pagod na ito habang patuloy na binabalikan ng depensa ang usapin ng posibleng liability sa disclosure.

Tumugon si Presiding Officer Sen. Francis Chiz Escudero na alam na ni Buenaventura ang posibleng legal liabilities na maaaring kaharapin kaugnay ng kanyang testimonya.

“He’s aware of the possible legal liabilities he may face given his testimony earlier this morning. I think we get the message, Counsel,” sinabi ni Escudero.

Nauna ring nag-manifest si Sen. Kiko Pangilinan laban sa pagbanggit ng posibleng criminal liability ng mga senator-judge kaugnay ng authorized disclosure ng AMLC records.

“Raising the issue of possible criminal liability for authorized disclosure in this impeachment court, I believe, is uncalled for, for the record,” sinabi ni Pangilinan.

Nagpaalala naman si Sen.-Judge Vicente Sotto III sa counsels tungkol sa parliamentary immunity.

“Just to wrap it up on that particular issue, the counsels in the impeachment court should be reminded of the term parliamentary immunity,” sinabi ni Sotto.

Nagpahayag din si Sen. Risa Hontiveros ng concern sa epekto ng mga warnings sa media na nagko-cover ng impeachment trial.

“Dapat po walang chilling effect na either sadyang or di-sadyang lilikain sa hanay ng 4th Estate,” dagdag niya.

Ang mga interjection ay dumating matapos tanggihan ni Escudero nang mas maaga ang motion ng depensa na i-exclude si Buenaventura sa confidentiality grounds.

Pinayagan ng impeachment court ang AMLC chief na tukuyin, i-authenticate at ipaliwanag ang reports na sakop ng subpoena habang nananatiling bukas sa depensa ang cross-examination at objections sa authentication, relevance, completeness, accuracy, admissibility at evidentiary weight.

Bandang alas-7:02 ng gabi, ini-adjourn ni Escudero ang proceedings at itinakda ang pagpapatuloy ng cross-examination kay Buenaventura sa Martes, Oktubre 6, alas-10:00 ng umaga.