Witness

Sara-Carpio bank accounts pinatotohanan ng 4 na testigo ng prosekusyon

129 Views

Witness1Witness2

Witness3
Nanumpa ang apat ng testigo ng prosekusyon sa ika 35 – araw ng impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte nitong Oktobre 7, 2026. Ang mga testigo ay sina Leslie Cham, Security Bank Branch Banking Group Head; Irene Joy Ishida, Philippine Savings Bank Branch Operations Department head;
Arcy James Gonzales, branch manager of Asia United Bank’s Davao Toril Branch; at Atty. Niña Feren Aguilar, Anti-Money Laundering Division Head of Metropolitan Bank and Trust Co.
JOSEPH MUEGO

IPINAGPATULOY ng prosekusyon nitong Miyerkules ang presentasyon ng mga bank record na nais nitong iugnay sa SALNs ni Vice President Sara Duterte, habang tinanong ng mga senator-judge ang isang Metrobank official kung paano sinusuri ang impormasyon bago mag-file ang bangko ng suspicious transaction report.

Sa Day 35 ng impeachment trial, iniharap ng prosekusyon ang mga opisyal mula sa Asia United Bank, Philippine Savings Bank, Metrobank at Security Bank upang tukuyin ang account ownership, balances at iba pang financial records sa ilalim ng Article II.

Nauna nang sinabi ng prosekusyon na may hindi bababa sa 30 active accounts sina Duterte at ang kanyang asawang si Atty. Manases Mans Carpio sa walong bangko mula 2022 hanggang 2025.

Ayon sa prosekusyon, ang mga account ay may pinagsamang year-end balances na mahigit P59 milyon noong 2022, mahigit P71 milyon noong 2023, mahigit P22 milyon noong 2024 at mahigit P35 milyon noong 2025.

Iniuugnay ng prosecution panel ang mga rekord sa alegasyon nitong may mga halaga na hindi umano wastong naideklara sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth ni Duterte.

Sa Security Bank, sinabi ni Branch Banking Group Head Atty. Leslie Cham na walang account si Duterte sa naturang bangko.

Ayon kay Cham, nagbukas naman si Carpio ng Security Bank account noong Oktubre 10, 2022.

Sa Asia United Bank, tumestigo si Davao Toril Branch Manager Arcy James Gonzales tungkol sa mga account na nakapangalan kay Carpio.

Kinumpirma ni Gonzales na ang isang account na nagtatapos sa 4387 ay isinara noong 2025 at nagkaroon ng zero balance matapos itong isara.

Tumestigo rin si Philippine Savings Bank Branch Operations Department Head Irene Joy Ishida habang ipinakikilala ng prosekusyon ang mga bank record na nais nitong ialok bilang ebidensya.

Sa Metrobank, tinanong ni Senator-Judge Risa Hontiveros si Anti-Money Laundering Division Head Atty. Niña Feren Aguilar kung awtomatikong nire-report sa Anti-Money Laundering Council ang isang kliyente kapag may kontrobersyal na balita tungkol dito o kung sinusuri muna ng bangko ang mga detalye ng transaksyon.

“For suspicious transaction reports based on negative media, we generally file a suspicious transaction report if we have identified our customer to be the subject of the negative media and conduct further review,” sagot ni Aguilar.

Tinanong naman ni Senator-Judge Kiko Pangilinan kung ang further review ay nakabatay sa guidelines ng bangko.

“Yes, Your Honor,” sagot ni Aguilar.

“So binubusisi niyo nang husto?… Maingat ang bangko bago ito mag-file ng STRs, hindi based sa tsismis?” tanong ni Pangilinan.

“Yes, Your Honor,” tugon ni Aguilar.

Sinabi rin ni Aguilar na dumaraan sa kanyang tanggapan ang suspicious transaction reports at kailangan ng kanyang approval bago ipadala ang mga ito sa AMLC.

Ipinaliwanag din ni Aguilar na humihingi ang bangko ng karagdagang impormasyon at dokumento kapag kinakailangan upang suriin ang isang transaksyon at matukoy ang legitimacy nito.

Tinalakay din sa kanyang testimonya ang due diligence na isinasagawa ng bangko kaugnay ng mga transaksyon at ang pag-alam kung saan patungo ang bayad o pera.

Magkaiba sa ilalim ng anti-money laundering rules ang covered transaction at suspicious transaction. Ang covered transaction ay nakabatay sa itinakdang monetary threshold, habang ang suspicious transaction ay maaaring i-report anuman ang halaga kapag may mga kundisyong nakasaad sa batas.

Patuloy na iniharap ng prosekusyon ang mga opisyal ng mga bangko at financial institutions upang tukuyin at patotohanan ang account ownership, balances at iba pang financial records na iniaalok nito sa Article II.

Iginiit naman ng depensa na ang cash at bank deposits ni Duterte ay kabilang sa other personal properties na nakasaad sa kanyang SALNs.