ivan

Inting korek! Rappler sibak sa COMELEC!

Ivan Samson Mar 9, 2022
642 Views

Commission on electionTULUYAN nang sinuspinde ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasakatuparan ng kanilang kasunduan sa Rappler, na napabalitang pagmamay-ari at kontrolado ng mga dayuhan.

Nagpetisyon si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na ikansela ang ugnayan sa pagitan ng COMELEC at Rappler.

Ayon kay Calida, hindi dapat payagan ng Comelec na makialam ang isang hindi rehistradong entidad ng media sa ating eleksyon. Ayon rin sa kanya, hindi dapat mag-astang hari ang media na ito at ipilit sa mga Pilipino ang mga bagay na pinapaniwalaan nilang totoo. Ang bawat Pilipino ay nararapat at naghahangad ng malaya, maayos, tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan.

Gayunpaman, ang mga layuning ito sa konstitusyon ay hindi makakamit kung hahayaan ang Comelec na ipagpatuloy ang walang bisa at labag sa Konstitusyon na pakikipagtulungan sa Rappler.

Bakit nga ba hindi karapat-dapat ang Rappler na maging kabahagi at kasama ng COMELEC sa paparating na eleksyon?

Matatandaan na kinansela ng SEC ang rehistrasyon ng Rappler dahil sinasabing ito ay pagmamayari ng dahuyan. Ayon sa ating batas, ang isang entidad ng media sa Pilipinas ay kailangang 100% na pag-aari ng mga Pilipino upang maiwasan ang impluwensya at pakikialam ng mga dayuhan.

Ang ugnayan ng mga media sa COMELEC ay marapat dapat na tapat, walang kinikilingan at malinis na pagbabalita. Ang mga media na tutulong sa COMELEC ay kailangang nagtataglay ng malinis na track record.

Ating maalala na ang Rappler ay maya’t mayang naglalabas ng balita ng kontra sa admisnistrasyon, at madalas pabor sa oposisyon kung saan kabahagi ang bise-presidenteng si Leni Robredo.

Mahirap din sabihin maganda at malinis ang kanilang track record sapagkat convicted ng kriminal na kaso na cyberlibel ang kanilang CEO na si Maria Ressa. Paano natin pagkakatiwalaan ang isang media na may bahid ng kriminal na kaso? Dapat ay tapat, malinis at walang kinikilingan ang pagbabalita.

Habang gumugulong ang petisyon sa ating pinakamataas na korte, maganda ang naging desisyon ni COMELEC acting chair Socorro Inting na suspendihin ang kanilang ugnayan sa COMELEC. Naging mabilis at matalino ang kanyang askyon upang bantayan ang dignidad ng eleksyon. Wag natin pabayaan na mabahiran ng impluwensya ng dayuhan ang ating karapatatan sa pagpili ng mga lider na hahawak sa ating Inang Bayan.

Ating bantayan ang demokrasya ng bansa. Huwag tayong pumayag na mapakialaman ng mga dayuhan ang ating eleksyon.