Sotto

Rating ng 8 sine inilabas ng MTRCB

85 Views

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang rating ng walong sine – kabilang ang dalawang gawang Pinoy – na mapapanood sa mga teatro ngayong linggo.

Paalala ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto, karamihan ng mga pelikula ay may PG rating at nangangahulugan na kailangan pa ring subaybayan ang mga bata sa kanilang panonood.

“PG ang rating ng karamihan ng mga pelikulang tampok ngayong linggo, kaya’t kailangang gabayan pa rin ang mga bata at ipaliwanag sa kanila na hindi dapat gayahin ang lahat ng napapanood,” sabi niya.

Ang “Remember,” isang Filipino drama na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ay rated PG dahil sa “mild and infrequent swear words and menacing language and themes.”

Ang “Unfiltered,” isang youth musical drama, ay may PG rating dahil sa pagtalakay ng “high school students coping with peer pressure, cyber bullying, isolation, depression and other social and
mental health issues.”

Bida rito sina Kai Montinola, JP Cabrera, Ernie Lopez at Boots Anson Roa Rodrigo.

Ginamit ng pelikula ang musika upang bigyang-diin ang “coming-of-age problems.” Ito ay may mature at seryosong tema na kailangan ang patnubay at gabay ng magulang.

Ang muling pagpalabas ng “Dune 1” at “Dune 2” ay binigyan ng PG rating. Pinagbibidahan ito ni Timothee Chalamet.

Ito ay tungkol sa katapatan sa pamilya, pamumuno, political conflict, tadhana, pagtataksil, ang pag- aagawan sa kapangyarihan, giyera, pang-aapi, atbp.

“Characters engage in armed combat, revenge, political manipulation and acts of violence. These are presented within a fictional science-fiction setting and are not portrayed as everyday behavior to imitate,” sabi ng MTRCB.

Binigyan naman ng Ahensiya ng PG rating ang “George Michael: The Faith Tour,” isang concert film na tampok ang Faith Tour performance ng yumaong singer noong 1988. Ito ay mapapanood lamang sa SM Cinemas.

Ang “Wildwood,” isang stop-motion animated adventure, ay rated R-13 dahil sa paglalarawan ng katatakutan, occasional gore, infrequent at non-graphic na paglalahad ng karahasan at paghihirap,infrequent at non-vulgar use ng pagmumura, at mature na tema ng suicide at human sacrifice.

Bida rito sina Peyton Elizabeth Lee, Jacob Tremblay at Carey Mulligan at mapapanood lamang sa SM Cinemas.

Ang “How to Rob a Bank,” isang action-comedy heist na tampok sina Nicholas Hoult, Christian Slater at Zoë Kravitz, ay may R-13 rating. Ito ay tungkol sa isang pangkat ng mga bank robber na pinopost ang kanilang mga pagnanakaw sa social media.

“The depiction of bank robberies being broadcast for online attention may encourage imitation among impressionable viewers. Guidance is advised to reinforce that criminal acts have serious consequences and should not be emulated,” sabi ng Ahensiya.

Ang “Motherly,” isang 2021 horror film na pinagbibidahan nina Lora Burke at Tessa Kozma, ay rated R-13 at eksklusibong mapapanood sa Megaworld Cinemas.

Ang “The Beast,” isang action thriller na tampok sina Samuel L. Jackson at Joel Kinnaman, ay may R-16 rating dahil sa mga tema ng armed coup, political violence at threats to national security, madalas at sustained gun violence, explosions, bloody injuries, gore at pervasive strong profanity.

“While such material may be permissible at R-13 when violence is less graphic and more restrained, the frequency, intensity, visible bloodshed and gore in this film exceed the level ordinarily suitable for viewers aged 13. The stronger treatment therefore warrants an R-16 classification,” sabi ng MTRCB.

Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood.

Ang R-13 ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay sa edad 16 at pataas. Ang R-18 naman ay sa mga nasa wastong edad lamang.