NPA

Rebelde na suspek sa pagpatay nasakote

Alfred Dalizon Aug 16, 2025
209 Views

IBINALITA ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Brigadier General Christopher N. Abrahano ang pagkakaaresto sa isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na wanted sa mga kasong murder at frustrated murder sa Samar.

Sinabi ni Abrahano na ang nahuling suspek na si alyas Luis ay may warrant of arrest para sa dalawang kaso ng murder at dalawang kaso ng frustrated murder.

Naaresto si Luis sa Brgy. Bagacay, Daram, Samar noong Linggo.

Co-accused si Luis ng isang kapitan ng barangay na may alyas na Antonio na naaresto rin sa parehong kaso sa Brgy. Saraw, Motiong, Samar.

Hindi bababa sa 15 kalalakihan, kabilang ang dalawang naaresto, ang kinasuhan kaugnay sa pagpatay sa dalawang sundalo at sa pagkasugat ng dalawa pa.