Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
BFAR

Red tide alert nakataas pa rin sa limang probinsya

307 Views

NAKATAAS pa rin ang red tide alert sa limang probinsya, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Mataas pa rin umano ang Paralytic Shellfish Poison (PSP) sa coastal waters ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

“All types of shellfish and Acetes sp, or alamang gathered from the areas shown are NOT SAFE for human consumption. Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” sabi ng BFAR.

Naalis naman sa listahan ng mga lugar na may red tide ang Irong-irong, at San Pedro Bays sa Samar.