Lacuna

Rehabilitasyon ng Pritil market dinaluhan ni Mayor Honey, VM Yul

Edd Reyes Mar 20, 2025
25 Views

DUMALO sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto noong Huwebes sa simula ng rehab para sa nasunog na Pritil market sa Tondo na may budget na P283.63 milyon.

“Ang bagong Pritil Market mas pinaganda, mas pinalawak at mas kayang makapagbigay ng hanapbuhay sa mas maraming Manileño.

Mula sa dating 584 stalls, ngayon 669 stalls na—mas maraming pwesto, mas maraming oportunidad para sa ating mga manininda,” pahayag ni Lacuna.

Sa oras na makumpleto, magkakaroon ang palengke na itatayo sa 11,930 metro kuwadradong lupa ng 388 na drug stalls, 281 wet stalls at parking sa roof deck.

Target na makumpleto ang rehab ng nasunog na palengke noong Abril, 2023 sa Oktubre 2026.

“Today marks the start of Phase 1. Even when the public market is only partially completed, we will strive to make it partially operational so that area residents need not travel far for their daily and weekly marketing.

The sooner, the better but without compromising on quality and safety,” sabi ni Lacuna.

Nakadisenyo rin sa konstruksyon ng Pritil Market ang pagkakaroon ng palikuran para sa mga lalaki, babae at PWD, sewage treatment plant, at waste facility storage.

“There will be affordable and reasonable rates for occupancy of the stalls and use of the cold storage,” pahayag ng alkalde.