PARADA NG MGA BANDA
Nov 17, 2024
2 lalaki arestado sa pambu-bully, pamamaril
Nov 17, 2024
Japanese nat’l na wanted sa nakaw, panloloko timbog
Nov 17, 2024
Calendar
Nation
Relasyon ng PH, France patatatagin- PBBM
Cristina Lee Pisco
Sep 18, 2022
227
Views
NAGKASUNDO umano ang Pilipinas at France na palakasin ang partnership ng mga ito kaugnay ng low-carbon energy, food security, defense, at people-to-people ties.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naka-usap nito sa telepono si French President Emmanuel Macron noong Biyernes. Tumagal umano ang pag-uusap ng dalawa ng 20 minuto.
“We spoke with French President Macron over the phone and agreed to strengthen partnerships in low-carbon energy, food security, defense, and people-to-people ties,” sabi ni Marcos.
Pinuri rin ni Marcos si Macron sa pagpupursige nito ng kapayapaan sa Europa.