Calendar
Rep. Frasco di natitinag sa pagbibigay serbisyo sa mga estudyante
HINDI natitinag si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa pagbibigay nito ng serbisyo para sa mga estudyante ng lalawigan.
Muling nagtungo si Frasco sa kaniyang bayan sa Liloan City para ipagpatuloy ang kaniyang proyekto para sa libo-libong mag-aaral sa pamamagitan ng pamamahagi nito ng backpacks and notebooks sa tinatayang 381 Grade 1 students ng Yati Elementary School.
Sinabi ni Frasco na ang kaniyang programa ay dati na niyang ginagawa kahit noong siya pa ang City Mayor ng Liloan mula 2007 hanggang 2016. Ipinahayag ng mambabatas na noon pa man ay napakarami ng estudyante ang nakikinabang sa pamamahagi nito ng mga school supplies.
Ipinaliwanag ng kongresista na kahit hindi na siya ang city mayor ng Liloan, nakahanda pa rin siyang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulang programa sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga backpacks at notebooks para sa libo-libong mag-aaral bilang kinatawan ng 5th District.
Namahagi din si Frasco ng P80,000 para makabili ng bagong Closed Circuit Television (CCTV) ang Yati Elementary Scholl. Nadonate din siya ng P100,000 para sa PTA members.
Ayon kay Frasco, ayaw nitong madiskaril ang kaniyang paglilingkod sa kaniyang mga kababayan o kapwa Cebuano.