Calendar
Rep. Frasco naglunsad ng volleyball clinic
“HINDI lang pang-kawanggawa, kundi pang-sports pa”.
Ito ang pinatotohanan ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco matapos itong maglunsad ng “volleyball clinic” para sa libo-libong Kabataan sa bayan ng Catmon, Cebu City.
Ayon kay Frasco, ang pangunahing layunin ng inilunsad nilang programa para sa libo-libong Kabataan ay upang mahubog mula sa kanila ang bagong henerasyon ng mga atleta na posibleng lumahok sa mga international competitions sa darating na hinaharap sa larangan ng volleyball.
Sinabi ni Frasco na hindi lamang nito sinasanay ang mga kabataan na matuto ng volleyball. Bagkos ay inihahanda rin sila na maging volleyball athlete sa darating na hinaharap na may pag-asang lumahok sa mga torneo dito man sa Pilipinas o sa ibayong dagat.
Ipinaliwanag pa ng kongresista na layunin din ng kanilang programa na maiiwas sa tukso o impluwensiya ng masasamang bisyo ang mga Kabataan gaya ng pagsusugal partikular na ang palasak na illegal na droga.
Ipinabatid pa ni Frasco na tiyak na mahahasa ng husto ang mga kabataang lumahok sa volleyball clinic sapagkat ang nagturo aniya sa kanila ay itinuturing na professional sa katauhan ni Isa Molde (professional volleyball league player) na nagsilbi rin bilang inspirasyon ng mga kabataan.