Sandro

Rep. Sandro Marcos di type special treatment

189 Views

AYAW umano ng panganay na anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mabigyan ng special treatment sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang nais nito ay itrato siya na katulad ng ibang kongresista.

Sinabi ng nakababatang Marcos na hindi pa nito nararanasan na maitrato na iba sa kanyang mga kapwa mambabatas.

“I don’t think so. Nung may konting dinner…noong nag-dinner ako, sinabi ko naman sa karamihan ng mga congressman na sana they treat me just as their equal,” sabi ni Rep. Sandro.

Ayon kay Rep. Sandro marami sa kanyang mga kasama ngayon sa House of Representatives ay nakilala nito noong siya ay nagtrabaho kay dating House Majority Leader at reelected Leyte Rep. Martin G. Romualdez.

“Kaya ang biro ko sa kanila, eh noon, ako ang gumagawa ng kape nila, ako gumagawa ng bills, ako nag-aayos ng kung anu-anong batas, eh kahit congressman ako, ako pa rin gagawa ng kape nila,” ayon pa kay Rep. Sandro.

Si Rep. Sandro ang tumalo kay dating Ilocos Norte Rep. Ria Fariñas sa katatapos na halalan.

Siya ay isa sa mga dumalo sa orientation ng mga kongresistang miyembro ng 19th Congress.