Vega

Repatriation ng 115 Pinoy bago matapos ang buwan—DFA

201 Views

MAIUUWI na umano ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa bansa ang 115 Pilipino mula sa Sir Lanka sa gitna ng kaguluhan doon.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega

makababalik na sa bansa ang mga nais na ma-repatriate bago matapos ang buwan ng Hulyo.

Mayroong 700 Pilipino sa Sri Lanka subalit mas nais umano ng iba na manatili roon.

Isasakay umano sa commercial flight ang mga Pilipino dahil imposible pa sa ngayon na magkaroon ng sweeper flight dahil sa sitwasyon sa Sri Lanka.