Resettlement sa mga pamilyang maaapektuhan sa pagpapalawak ng Kalibo Airport pinasinayaan

149 Views

NAGSAMASAMA ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mabigyan ng malilipatan ang mga pamilya na maaapektuhan sa gagawing pagpapalawak ng paliparan ng Kalibo, Aklan.

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang groundbreaking ceremony ng resettlement project kung saan inanunsyo rin nito ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na residente.

“Itong proyekto ay bahagi ng social component ng ating mga transportation projects, kagaya ng malalaking railway at road projects ng DOTr. Tulad ng ginagawa natin ngayon, ang jeepney modernization program ay nagbibigay ng training at kabuhayan sa mga driver na hindi makakasama sa paglipat sa makabagong sasakyan,” ani ni Secretary Bautista.

“At hindi lang pabahay ang dulot ng pagsasaayos ng Kalibo airport. Umaasa kaming makapagbibigay din ng trabaho ang proyektong ito. Ang kontratistang gagawa sa inyong airport ay kelangan ng maraming manggagawa na galing dito,” dagdag ng Kalihim.