Suspek na tulak nasilo sa P1.7M na shabu
Apr 20, 2025
Parak-Pampanga hinuli 2 human trafficking suspek
Apr 20, 2025
Manipulative gf
Apr 20, 2025
Suspek sa pagnenok ng boga ng sekyu, nahuli
Apr 20, 2025
Calendar

Nation
Resolusyon na nagpapatawag ng Con-Con pasado sa ikalawang pagbasa
Ryan Ponce Pacpaco
Mar 1, 2023
266
Views
PASADO na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang inamyendahang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na nagpapatawag ng Constitutional Convention (Con-Con) upang amyendahan ang Konstitusyon.
Matapos marinig ang boto, idineklara ni Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza na ang nanalo sa botohan ay ang pabor sa RBH 6.
Ilang araw na idinepensa ni Committee on Constitutional Amendments Chairperson Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro City ang resolusyon sa plenaryo laban sa mga tumututol dito.
Ang RBH 6 ay akda ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ayon sa resolusyon, ipatatawag ang Con-Con upang amyendahan ang Konstitusyon para mas maraming dayuhang mamumuhunan ang magnegosyo sa bansa.