Savellano

Resolusyon ng pakikiramay sa pamilya ni Savellano pinagtibay ng Kamara

Mar Rodriguez Jan 14, 2025
32 Views

PINAGTIBAY ng Kamara de Representantes noong Lunes ang House Resolution 2165 na naghahayag ng pakikiramay sa naiwang pamilya ng namayapang si Agriculture Undersecretary at dating Deputy Speaker Deogracias Victor Barbers Savellano.

Ang resolusyon ay iniakda nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Senior Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos, Minority Leader Marcelino Libanan, at Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ng Tingog Party-list.

Pumanaw si Savellano, na kilala bilang ‘DV’ ng kaniyang mga kapamilya , katrabaho at kaibigan, noong Enero 7 sa edad na 65.

Dati siyang nagsilbi bilang kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Sur at dati na ring naging gobernador at bise gobernador ng probinsya.

Naulila sa kanyang pagpanaw ang asawang si Geraldyn Schaer Bonnevie-Savellano; mga anak na sina Josephine Elizabeth Marie Savellano-Padua, Patricia Angelique Marie Savellano-Singson, Deogracias Jose Victorino Savellano, Virginia Nicole Savellano, at Rita Marie Savellano-Ocampo; at step children na sina Danica Sotto-Pingris at Vittorio Mari Sotto. \

Sa pinagtibay na resolusyon, kinilala ni Speaker Romualdez at kaniyang mga kasamahan ang taospusong pagkilala ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa namayapang kongresista.

Inilarawan ng Pangulo si Savellano bilang “someone whose heart always belonged to the people he served,” at ipinaabot ang kaniyang mensahe ng pamamaalam ‘Agyaman kami kadagiti amin a naipaay a tulong ken serbisyom, apo DV (We are thankful for all the help and service you have given, Sir DV).’”

“Honorable Savellano’s unfaltering advocacy for the promotion of agricultural development, the upliftment of the lives of farmers, and commitment in the preservation of local culture epitomize the real essence of an excellent public servant,” saad nila.

Tinukoy ng mga mambabatas na nagsimula ang karera sa politika at serbisyo publiko ni Savellano nang mahalan siya bilang bise-alkalde ng Cabugao Ilocos Sur mula 1981 hanggang 1986.

Kalaunan ay nagsilbi siyang senior board member noong 1988; vice governor mula 1988 hanggang 2001, 2004 hanggang 2007 at 2010 hanggang 2016; mula 2001 hanggang 2004, at 2007 hanggang 2010; at bilang kinatawan ng unang distrito noong 17 Congress mula 2016 hanggang 2019 at 18th Congress mula 2019 hanggang 2022.

Noong 2023, itinalaga siya bilang undersecretary ng Department of Agriculture (DA) for livestock, oversight official ng National Tobacco Administration, at kinatawan ng DA sa Philippine Bamboo Industry Development Council.

Sa Kamara, nagsilbi si Savellano bilang tagapangulo ng In Committee on North Luzon Growth Quadrangle at vice chairperson ng Committee on Agrarian Reform. Aktibo siyang nakikipag ugnayan sa mga stakeholders at administrator ng National Tobacco Administration ang nagbigay ng mahahalagang pananaw tungkol sa pagbuo ng Sustainable Tobacco Enhancement Program noong 2020 para mapabutio ang kabuahyan ng mga magsasaka ng tabako.

Iniakda rin niya ang ilang panukala para isilong ang cultural heritage, kalakalan, turismo, at kalusugan kabilang na ang Republic Act (RA) No. 11915, o “National Music Competitions for Young Artists Act”; RA 11904, o “Philippine Creative Industries Development Act”; RA 11900, o “An Act Regulating the Importation, Manufacture, Sale, Packaging, Distribution, Use, and Communication of Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products, and Novel Tobacco Products”;

RA 11865, o “An Act Increasing the Bed Capacity of Ilocos Sur District Hospital-Magsingal in the Municipality of Magsingal, Province of Ilocos Sur from Twenty-Five (25) Beds to One Hundred (100) Beds, and Appropriating Funds Therefor”; RA 11760, o “An Act Creating an Extension Office of the Maritime Industry Authority in Vigan, Ilocos Sur, and Appropriating Funds Therefor”;

RA 11645, o “An Act Establishing a Heritage Zone Within the Municipality of San Vicente, Province of Ilocos Sur”; RA 11463, o “Malasakit Centers Act”; RA 11392, o “National Performing Arts Companies Act”; RA 11333, o “National Museum of the Philippines Act”; RA 11310, o “An Act Institutionalizing the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)”; at RA 11291, o “Magna Carta of the Poor.”

Bilang gobernador ng lalawigan, inilunsad ni Savellano ang Kabsat Caravan, isang prosperity program na namamahagi ng libreng makinarya at iba pang input sa mga magsasaka ng Ilocos Sur.

Nagtapos siya ng primary at secondary education sa Claret School sa Quezon City, at tinapos ang Bachelor of Arts in Economics sa University of the Philippines, natapos din niya ang kaniyang Master’s degree para sa International Business Administration mula sa Monterey Institute of International Studies sa California, United States of America.

Ipinanganak siya noong He November 25, 1959 sa Cabugao, Ilocos Sur, kaniyang mga magulang sina Victorino Ancheta Savellano at Virginia Vister Barbers-Savellano.