richard yap

Richard Yap, balik sa pag-arte sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’

Eugene Asis Aug 21, 2022
300 Views

BALIK-telebisyon ang Sparkle leading man na si Richard Yap sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Abot Kamay na Pangarap.’

Gagampanan ni Richard ang karakter ni Robert Tanyag, isang super workaholic na doctor kaya kung minsan ay napapabayaan na niya ang kanyang pamilya. Ibinahagi ni Richard sa isang interview na very exciting ang mangyayari sa kanyang role dito.

Bukod kay Richard, pasok sa cast ng Abot Kamay na Pangarap sina Carmina Villarroel bilang Lyneth at Jillian Ward bilang Analyn. Kasama rin sa star-studded cast sina Dominic Ochoa, Andre Paras, Pinky Amador, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta, at marami pang iba.

Aabangan ang Abot Kamay Na Pangarap, this September na sa GMA-7.

tiktok‘Running Man PH,’ may pa-dance challenge sa TikTok

TULAD ng Korean counterpart nito, exciting ang games sa ‘Running Man PH,’ ang hit reality game show na magsisimula na ngayong September sa GMA.

Pero bago mapanood this September 3 sa GMA-7 ang kwelang missions ng cast members nito, fans muna ang sasabak sa nakaka-good vibes na challenges.

Kailangan lang ihanda ang best moves para makasali sa TikTok dance challenge ng Running Man PH. Sabayan ang energy na hatid ng theme song ng programa at gamitin ang hashtag na #RMPhDanceChallenge para mapansin ang talent sa pagsasayaw.

Bisitahin lang ang official Instagram at Facebook accounts ng Running Man PH para sa buong mechanics.

 

miguel and ysabelMiguel at Ysabel pasilip pa lang, nagpapakilig na

NGAYON pa lang ay excited na ang Kapuso viewers dahil sa mga pasilip na eksena ng serye nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na ‘What We Could Be.’ Komento ng isang avid fan, “Lumevel up na talaga ang GMA sa romcom. Tapos ang director pa neto ay si Jeffrey Jeturian na kilalang mahusay at maganda ang mga nagawang series. Aabangan ko ito. Infairness ang ganda rin ng OST dagdag kilig!”
Ito ang kauna-unahang collaboration ng GMA at Quantum Films.

Ang world premiere ng “What We Could Be” ay magaganap sa darating na August 29 sa GMA.

the clashOnline auditions sa “The Clash Season 5” nagsimula na

THE search is on para sa next singing sensation sa fifth season ng original reality singing competition ng GMA na ‘The Clash.’

Nagsimula na ang online auditions noong August 7 para sa lahat ng Pilipinong may edad 16 pataas at may natatanging galing sa pag-awit. Maaaring mag-submit ng audition video sa pamamagitan ng audition form or QR code na matatagpuan sa kanilang official social media accounts.

Lahat ng interesadong sumali ay kailangan lamang mag-upload ng video na naglalaman ng kanilang self-introduction, isang Tagalog song, at isang English song. Maaaring kumanta ng acapella o may kasamang live instrument. Pinapakiusapan din ang lahat na iwasan gumamit ng voice effects or enhancements sa kanilang mga video.

Siguraduhing nakatutok sa official social media accounts ng The Clash para sa mga susunod pang detalye.

 

GMAKapuso viewers, mananalo ng P50,000 sa GMA Afternoon Prime shows

MAY pagkakataong manalo ng cash prizes habang nanonood ng Apoy sa Langit, Return to Paradise, at The Fake Life sa GMA Afternoon Prime Papremyo.

Para makasali, tumutok lang sa mga programa ng GMA Afternoon Prime mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. hanggang 5:00 p.m. sa GMA-7.

Hintayin ang signal at picture ng character na tampok sa araw na iyon na makikita sa screen. Kapag na-identify na kung sino ang nasa larawan, mag-register lang at ipadala ang mga sagot sa www.GMAnetwork.com/AfternoonPrimePapremyo.

More entries, more chances of winning kaya sali na hanggang sa September 9, 2022. Limang winners ang makatatanggap ng P5,000 bawat linggo habang isang maswerteng Kapuso naman ang mag-uuwi ng P50,000 sa grand draw sa September 10.