Alex

Sarah naapektuhan sa biro ni Matteo kay Alex?

Eugene Asis Aug 20, 2022
154 Views

alex gonzagaPINAG-USAPAN sa social media ang isang eksena sa noontime show na” Lunch Out Loud” sa TV5 nang biruin ni Matteo Guidicelli ang isa sa original hosts ng show na si Alex Gonzaga tungkol sa kanilang exes. Pero kaagad may sundot ang comedienne-vlogger, at may tama kay Matteo. Hindi man halatang napikon, nag-post ito later ng isang unsolicited advice kay Alex sa social media tungkol sa pagbanggit ng mga ex. Balitang naapektuhan ang misis niyang si Sarah Geronimo sa oncam jokes ng dalawa. At siyempre, to the rescue ang Popsters ni Sarah kaya na-bash si Alex dahil dito.

Kaagad namang ipinagtanggol ni Matteo si Alex dahil biruan nga lang naman yun at siya pa ang nag-umpisa. Well, sabi naman ng kampo ni Alex, ‘di naman naapektuhan ang kanilang idol dahil bukod sa hindi ito natitinag bilang isa sa top 10 vloggers ng bansa, patuloy na trending sa Netflix ang series nito kasama si JC de Vera na “The Entitled.”

At ang horror-comedy short film nito na “Bus to Busan” sa kanyang Youtube channel ay humamig na ng over 3.2 million views in just 5 days and counting. Samantala, sini-celebrate ngayon ni Alex ang five years niya sa social media at patuloy siyang sinusuportahan ng kanyang mga sponsors tulad ng Secosana, Jag Jeans, Dragonpay at iba pa..